7.29.2005

napakawalan mo na nga ba talaga?

ewan...siguro ngayon alam ko na nga ung ibig sabihin ng kaibigan ko...mahirap ung naiiwanan ka na mag-isa kasi napapaisip ka sa mga bagay-bagay na nangyayari sayo...
haay bakit pa kasi kailangan magkaroon ng 9 hour break ng araw na un.. ayan iniisp ko ung tinatanung nung isang araw sakin ng kaibigan ko...mahal mo pa din ba siya? napakawalan mo na ba?

*silence*

matinding silence un...
nung oras na un hindi ko alam kung ano at paano sasagutin..nung panahon na un naging blanko lahat... parang lahat ng iniisip ko na project nawala. lahat ng biglang naisip ko tungkol sa kanya. lahat.
hmmm... siguro bago ko masagot... tumahimik ako ng matagal, huminga pa muna ng malalim... para lang sabihing hindi ko alam...

ewan siguro nung panahon na hindi ko inaasahan na may magtatanung ng ganun... nagulat.
may naramdaman ako nung sinabi ung pangalan niya.
parang gusto kong sumigaw... ang hirap talaga.

pero tapos na ang lahat hindi ba?
siguro mas mabuti na matutunan kong sagipin din ang sarili ko bago mahulog pa lalo sa mas malaking butas. ewan. siguro naisip ko at tinuro niya sakin na kailangan ko matutunang lumaban para sa sarili ko.
wala ng ibang taong magliligtas sakin dito kundi ako lamang.
self-preservation.
un na nga siguro ang pinakamabuti para sa amin... ang hayaan na ang isa't isa.
ang lungkot nga. pero un na siguro ang pinakamabuting paraan para maghilom ang lahat ng sugat diba?
sabi nga ni ar panahon lang ang tutulong para magheal.

kaya siguro ang naisip ko lang na paraan para maisalba pa ang sarili ko at maghilom siya ay
ang pakawalan na siya.

pero ang pagbibigay ng kalayaan sa tao o pagpapakawala sa kanya hindi nangangahulugang hindi mo na siya mahal....
mahal mo padin siya kaso tanggap mo na ang realidad. na kahit kelan hindi na siya pwede maging sayo.

pero.

patuloy pa rin ang buhay
patuloy pa rin akong magmamahal.
hanggang kailan?
hindi ko alam...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home