maskara
pansamantala muna akong nagpahinga sa entablado.pansamantala muna akong namahinga sa laban na tinatahak ko.
nakakapagod.
mahirap.
buti nalang at nariyan ang maskara ko.
buti nalang at natatago nito lahat.
ang sakit.
ang hirap.
tuwa.
at pagod.
pilit itinatago.
pilit na ikinukubli.
mamaya magtatanghal nanaman ako.
patuloy na lalaban. patuloy na mang-aaliw. patuloy na sasayaw.
kailangang ituloy ang palabas.
itutuloy ang aking palabas.
muli magsusuot ng maskara.
muling magsisimula ang pagtatanghal.
ito na. at muling bumukas ang kurtina.
ako nanaman ay magtatago.
mang-aaliw.
sa likod ng maskara.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home