6.02.2005

pamamaalam sa kahon

ngayon unti-unting inaalala ang nakaraan.
ang simula.
pati ang katapusan.
lahat.

matamis
mapait
masakit.

ngayon tuluyan nang mamamaalam
unti-unti...
isa-isa..
dahan-dahan.
bawat alaala nilalagay
itinatabi sa loob ng kahon.

bawat ngiti.
bawat iyak.
bawat sulat.
bawat larawan.
pilit itatago
pilit na ibabaon.

unti-unti sa pagsara ng kahon
umaasa na makalimot.
sana nga.
umaasang makapagpaalam na.
sana nga.
matapos na.

sana mawala.
lahat ng sakit.
lahat ng pait.
sana tuluyang mawala sa pagsara

ngayon sa kahon, bawat alaala itinago.

sa pagsara nitong kahon...

sana tuluyan nang mabaon
sana tuluyan nang maghilom.

1 Comments:

At 7:26 PM , Anonymous Anonymous said...

shet naiiyak na ako i know how u feel...

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home